Si Larry Arao at ang Mangkukulam ng Poblacion

 


Dapat ay naghahanda si Larry para sa nalalapit na Cluster 1 Schools’ Press Conference, pero natagpuan na lang niya ang sariling kaharap ang nuno sa punso ng Sirko. Ayon dito, siya ang tagapagmana ni Cadunong at ang siyang naatasang maghanap ng nawawalang karugtong ng Epiko ng Ibalong.

Kasama ang kaklase niyang pinaghihinalaan ng lahat na mangkukulam, hinarap nila ang mga nilalang na noo'y laman lamang ng mga kwentuhan tuwing recess at uwian hanggang malaman niyang ang coach niya para sa Press Con ay ang siya ring boss ng mga aswang at halimaw na gustong pumatay sa kanila!

Samahan si Larry at iba pang mga Tawong Lipod sa kanilang paghahanap sa karugtong ng Epikong Ibalong.

Published by: 8Letters Bookstore and Publishing.

Available at 8Letters' Website and Shopee.