Sangre Fria

 


1893

Isang bangkay ng lalaki ang natagpuan sa bayan ng San Martin sa unang araw ng taon. Bangkay iyon ni Señor Ricardo Montinola, isang mestizo. Ang pinaghihinalaan pumatay dito: aswang.

Subalit alam ni Leonora Alcala na hindi lang basta aswang ang pumatay dito, kun'di ay isang vampira: isang nilalang na kawangis ng tao, ngunit mas malakas, mas maliksi at tanging nabubuhay sa dugo ng tao.

Nabubuhay nga ba ang mga katulad ni Joaquin de Rivera? Iyon ang katanungan na gumulo sa isipan ng binata noong mga unang taon na naging isa siyang vampira. Ngunit, kung kailan tanggap na niyang isa na lamang siyang patay na patuloy nabubuhay, tsaka naman niya nakilala ang babaeng muling nagpatibok ng puso niya (literal) matapos ang limang dekada. At alam niyang hindi dapat mangyari iyon.

Read Here: https://www.wattpad.com/story/323140466-sangre-fria