New Book Alert! "Si Larry Arao at ang Mangkukulam ng Poblacion"
Inilunsad na ngayong araw ang bagong librong tiyak na kagigiliwan ng mga mambabasa: "Si Larry Arao at ang Mangkukulam ng Poblacion."
Kwento ng Grade VI student ng Central na si Larry, nalaman na lang niya, matapos silang salakayin ng mga aswang, na siya pala ang tagapagmana ni Cadunong! Kasama ang kaklase niyang pinaghihinalaan ng lahat na mangkukulam at ilang Tawong Lipod, hinarap nila ang ilang pagsubok upang hanapin ang nawawalang karugtong ng Epikong Ibalong na pinaniniwalaang naglalaman ng isang propesiya.
"Ang pamilya ng iyong ama ay nagmula sa lahi ni Cadunong, ang mananalaysay ng kabayanihan nina Baltog, Handyong at Bantong, ang tatlong bayani ng lumang Ibalong. Ngunit lingid sa kaalaman maging ng mga mananaliksik ng kasaysayan, hindi lang galing sa pagku-kwento ang taglay na talento ni Cadunong. May kakayahan din siyang magbigay ng propesiya---kakayahang namana niya sa kaniyang inang baliana."
Mabibili ang libro sa website ng 8Letters Bookstore and Publishing.
